DEADLINE | Pagtanggap ng JBC ng aplikasyon para sa isa pang bakanteng puwesto sa SC, hanggang ngayong araw na lang

Manila, Philippines – Hanggang alas kwatro y media na lang ngayong hapon ang pagtanggap ng mga requirements ng Judicial and Bar Council o JBC para sa mga aplikante sa Associate Justice post sa SC.

Partikular ang mababakanteng pwesto ni Supreme Court Associate Justice Noel Tijam.

January 5, 2019 nakatakdang magretiro si Justice Tijam na pangalawa sa mga appointees ng Pangulong Duterte sa Korte Suprema.


Itinalaga ng pangulo si Tijam bilang Supreme Court associate justice noong March 2017.

Facebook Comments