Muling pinalawig ng Social Security System (SSS) ang deadline para sa Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) Program mula June 30 hanggang October 31, 2022.
Sa abiso ng SSS, lahat ng retirement pensioners na nakatira sa ibang bansa ay kailangang tumugon sa ACOP.
Gayundin ang mga total disability pensioners at survivor pensioners pati na ang dependent children at kasama ang guardian.
Hindi naman kailangan ng mga retirement pensioners na nakatira sa Pilipinas ang tumugon sa ACOP.
Samantala, simula sa Nobyembre 1 ngayong taon, susundin na muli ang karaniwang schedule ng ACOP compliance.
Paalala ng SSS, ang ACOP pensioners reply form ay maaaring i-download mula sa SSS website na www.sss.gov.ph.
Ang mga pensioners na nakapag comply na para sa taong 2021 ay hindi na kailangang magsumite muli sa nasabing deadline.
Dagdag pa ng SSS, simula Enero 1, 2023 masususpinde ang mga pensyon ng mga pensioners na hindi makatugon sa ACOP hanggang Oktubre 31, 2022.