Deadline para sa pagtanggap ng application para sa Expanded Equity Subsidy sa ilalim ng PUVMP, hanggang November 29 na lang ayon sa LTFRB

Hanggang sa November 29,2022 na lang ang deadline para sa pagtanggap ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng application para sa Expanded Equity Subsidy ngayong taon sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Sa ilalim ng Expanded Equity Subsidy, kasama na ang mga private banks sa pagbibigay ng subsidiya sa mga consolidated legal entities na nais makakuha ng modern PUV.

Base sa inilabas na Memorandum Circular, hindi bababa sa ₱210,000 ang subsidiyang maaaring makuha ng mga consolidated legal entities mula sa private banks.


Kabilang sa mga maaaring mag-apply ng Expanded Equity Subsidy ang mga may kasalukuyang loan application sa mga cooperative banks at iba pang lehitimong financial institutions.

Ang PUVMP ay isang programang naglalayong makapagbigay nang maayos, moderno, komportable at ligtas na pampublikong transportasyon sa bansa.

Facebook Comments