Deadline para sa remittance ng kontribusyon ng SSS members sa mga lugar na sinalanta ng habagat at bagyo, pinalawig ng SSS

Pinalawig pa na ng Social Security System sa Setyembre 30 ang deadline ng remittance ng kontribusyon ng SSS members sa mga lugar na naapektuhan ng southwest moonson na pinalakas ng Bagyong Egay at Falcon.

Sa inilabas na SSS Circular 2023-005, saklaw ng kautusan ang SSS members sa mga lugar na idineklarang State of Calamity.

Kabilang dito ang Ilocos Norte,Ilocos Sur,La Union at Pangasinan sa Region 1,Cagayan sa Region 2, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga at Tarlac sa Region 3,Cavite at Rizal sa CALABARZON, Occidental Mindoro sa MIMAROPA, Abra, Apayao, Benguet, Ifugao at Mountain Province sa Cordillera Administrative Region.


Paliwanag ng SSS para sa mga business employer na maaari nilang i-remit ang kanilang contribution para sa applicable month na June 23 bago ang Setyembre 30.

Habang ang mga household employers, coverage and collection partners at individual members na may babayaran sa mga buwan ng Abril, Mayo at Hunyo ay maaari nilang i-remit ang kanilang kontribusyon bago o sa araw ng deadline sa katapusan ng buwan.

Facebook Comments