Deadline sa Clearing Operations ng mga lokal na pamahalaan, hanggang September 29 na lamang

Iginiit ng Department of Interior and Local Government (DILG) na wala nang extension kaugnay sa itinakdang deadline para sa Clearing Operations ng mga lokal na pamahalaan.

Nabatid na sa September 29 na ang deadline para sa Road Clearing Operations.

Hahatulan na ang mga LGU kung sila ba ay tumalima sa paglilinis at pagsasa-ayos ng mga kalsada at daan mula sa road obstruction gaya ng mga illegal vendor at  illegal parking.


Gayundin ang mga istrakturang itinayo sa mga alanganing lugar.

Ayon kay DILG Sec.Eduardo Año, nakikita nila na maganda ang itinatakbo ng Clearing Operations.

Ang National Capital Region (NCR) ang pinakamabilis na umaksyon sa problema sa Road Obstruction, sinundan ito ng Cagayan Valley, Central Luzon, Central Visayas, Calabarzon at Western Visayas.

Sumusunod aniya ang 17 LGU sa Metro Manila pero ang top performers ay Marikina, Pasay, Navotas, Malabon, Valenzuela, San Juan at Pateros.

Babala ng kalihim na mananagot ang mga LGU na hindi makakamit ang deadline.

Nanawagan naman ang DILG sa mga mambabatas na lumikha ng isang batas hinggil sa rehabilitasyon ng mga illegal vendor.

Facebook Comments