Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Tel Aviv na pinalawig ng Population and Immigration Authority ng Israel ang deadline sa paghuli sa mga dayuhang caregivers doon kabilang na ang mga Pinoy na walang kaukulang dokumento.
Sakop nito ang mga caregivers na may mga employer na nagpa-extend ng work license ng kanilang caregivers subalit tinanggihan ng Humanitarian Committee.
Ayon sa Embahada, mula sa April 30 deadline ng crackdown operation, pinalawig ito ng Israeli Immigration ng July 31, 2024.
Sa harap na rin ito ng umiiral na sitwasyon sa Israel, kung saan nagpapatuloy ang giyera sa pagitan ng naturang bansa at ng Hamas.
Hindi naman sakop nito ang mga nagkaroon ng kasong kriminal, reklamo sa korte ukol sa Residency Case, at iba pang paglabag sa batas ng Israel.
Sa kabilang dako, obligado naman ang ang caregivers na kasalukuyang nagtatrabaho sa tahanan ng kanilang employer, na kumpletuhin ang mga requirements bago sumapit ang April 30, 2024.