Deadline sa filing ng ITR, muling ipinaalala ng BIR

Nagpaalala ngayon ang Bureau of Internal Revenue (BIR) kaugnay sa nalalapit na deadline ng paghahain ng Income Tax Return sa Lunes, June 15, 2020.

Ayon kay BIR Deputy Commissioner Arnel Guballa, hindi na palalawigin ng ahensya ang deadline ng pagpapa-file ng ITRs.

Layon aniya nito na matulungan ang gobyernong maka-ipon na ng pondo para sa laban kontra COVID-19.


Nabatid na ang orihinal na deadline ng filing ng ITR ay noong April 15, 2020, pero iniurong ito ng haggang June 15, 2020 dahil sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments