Pinalawig ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng isang buwan o hanggang May 15, 2020 ang deadline para sa filing ng Income Tax Returns (ITR).
Ito ang ini-anunsyo ni Senator Christopher Bong Go, matapos niyang talakayin ang extension ng itr filing kina Pangulong Rodrigo Duterte at Finance Secretary Carlos Dominguez III.
Bukod kay Go, ay umapela rin para sa ITR filing extension sina Senate President Vicente Sotto III, at Senators Migz Zubiri, Imee Marcos, Francis Tolentino, Pia Cayetano, Joel Villanueva, Bato Dela Rosa, Nancy Binay, Bong Revilla at Ping Lacson.
Katwiran ng mga senador, mahirap makamit ang deadline na April 15 para sa ITR filing dahil sa umiiral na lockdown o community quarantine dahil sa COVID-19.
Diin ni Go, ang ITR filing extension ay nagpapakita ng malasakit at pagtulong na mapagaan ang pasakit sa taumbayan na hatid ng COVID-19.
Mas matututukan aniya ngayon ng mamamayan ang kanilang kapakanan at proteksyon laban sa sakit at kapag umayos na ang sitwasyon ay saka na lang nila asikasuhin ang obligasyon na magbayad ng buwis.