Deadline sa jeepney modernization program, dinedma ng transport group

Manila, Philippines – Maninindigan ang Stop and Go Coalition na hindi nila susundin ang plano ng gobyerno na i-modernisa ang mga pampublikong jeepney.

Ito’y sa kabila ng babala ni Pangulong Rodrigo Duterte na sisimulan na ito sa mga enero ng susunod na taon.

Sa interview ng RMN kay Stop and Go Coalition President Jun Magno – mariin nilang tututulan ito dahil lugi ito para sa kanilang mga tsuper at operator.


Punto pa ni Magno, noong una pa dapat ay inayos na dapat ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan tulad ng LTFRB at Transportation Department ang pagbibigay ng rehistro ng mga sasakyan.

Iginiit pa ng Stop & Go, wala na silang makikita kung mga luma at bulok sa sasakyan ang kanilang puntirya.​

Facebook Comments