Deadline sa pag-avail ng tax amnesty, extended ayon sa BIR

Iniurong ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang itinakdang palugit para makakuha ng tax amnesty sa December 31, 2020

Ayon kay BIR Commissioner Cesar Dulay, ang tax amnesty ay dapat hanggang ngayong June 22, 2020 lamang pero dahil sa nararanasang pandemya ay iniurong ito hanggang sa katapusan ng kasalukuyang taon.

Aniya, Walang ipapataw na anumang multa ang BIR sa mga taong hindi nakapagbayad ng kanilang buwis sa tamang oras.


Mababatid na ang tax amnesty ay makailang beses ng na-extend mula sa orihinal na April 23, 2020 deadline.

Palala naman ni Duly, dapat samantalahin ang mahabang pagkakataong ibinigay ng BIR para sa tax amnesty upang hindi mapatawan ng multa sa susunod na taon.

Facebook Comments