Deadline sa pagbabalik ng basura ng Canada, hanggang May 15 na lamang

Mayroon na lamang ang Bureau of Customs (BOC) hanggang May 15 para ibalik sa Canada ang mga itinambak nitong basura sa Pilipinas.

Ayon kay Customs Spokesperson Erastus Sandino Austria – nakatanggap sila ng utos mula kay Finance Secretary Carlos Dominguez III na ipadala pabalik sa Canada ang mga basura nito.

Idinagdag pa ni Austria – nasa proseso na sila ng pagsasagawa ng arrangements para sa mga container ng basura, na naglalaman ng household trash, diaper, electronic waste at non-recyclable waste.


Matatandaang nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na magdedeklara ng giyera sa Canada kapag hindi nito babawiin ang mga basura nito sa bansa.

Facebook Comments