Deadline sa pagbabalik sa Canada ng halos 70 container ng basura, dapat sundin – DFA

Nanindigan si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na kailangang sundin ang May 15 deadline ng pagbabalik sa Canada ng 69 na container ng basura.

Ito ang itinakdang petsa ni Pangulong Rodrigo Duterte bunsod ng ‘bureaucratic red tape” bilang bahagi ng Canadian government.

Sa Twitter post, iginiit ni Locsin na inaasahan ng Pangulo na maibabalik sa Canada ang mga basura sa itinakdang palugid.


Dagdag pa ni Locsin na ang Department of Finance (DOF) ay hindi bahagi ng presentation na ginawa noong cabinet meeting kung paano tutugunan ang garbage problem.

Matatandaang sinabi ng DOF na aabutin pa ng ilang linggo bago maibalik sa Canada ang mga basura dahil sa documentation process sa panig ng Canada.

Facebook Comments