Deadline sa pagbabayad ng overdue contribution sa SSS, pinalawig hanggang Nobyembre

245

Pinalawig pa ng Social Security System (SSS) ang deadline sa pagbabayad ng overdue contributions.

Ayon kay SSS President at CEO Aurora Ignacio, ikinokonsidera ng SSS ang COVID-19 pandemic.

Base sa Circular Number 2020-006-D, maaaring bayaran ng mga empleyado ang mga hindi nabayarang kontribusyon mula nitong Pebrero hanggang Oktubre hanggang sa Nobyembre 30, 2020.

Samantala, maaari ring bayaran ng mga self-employed, voluntary at non-working spouse hanggang sa kaparehong deadline ang hindi nila nabayarang kontribusyon mula Enero hanggang Setyembre.

Facebook Comments