Deadline sa paghahain ng income tax returns, hindi papalawigin ng BIR

Inihayag ng Bureau of Internal Revenue na hindi nila palalawigin ang deadline para sa paghahain ng 2019 income tax returns sa April 15, 2020.

Ito ay sa kabila ng mataas na banta ng coronavirus disease sa bansa.

Sa halip, hinikayat ng BIR ang mga taxpayers na maghain at magbayad ng kanilang tax dues online sa pamamagitan ng ebirforms application.


Para ma-practice ang social distancing, maaring gamitin ng mga taxpayers ang ebirforms na available for download sa pamamagitan ng website ng ahensya na nag-aalok ng mas komportable para sa mga taxpayers at tiniyak ang tamang computation ng tax dues.

Facebook Comments