Deadline sa pagre-remit ng kontribusyon at loan payment, pinalawig ng PAG-IBIG fund

133

Pinalawig ng Home Development Mutual Fund o PAG-IBIG Fund ang deadline para sa mga employer na i-remit ang kontribusyon at loan payments ng kanilang mga empleyado hanggang sa katapusan ng buwan.

Ayon kay Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Eduardo del Rosario, mayroong hanggang June 30 ang mga employer para i-remit ang PAG-IBIG monthly savings at short-term loan payments.

Layunin nitong mabigyan ng mahabang panahon ang mga employer na maiproseso ang kanilang payroll.


Sinabi naman ni PAG-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy Moti, ito ang ikalawang pagkakataon na pinalawig ng ahensya ang payment deadline para sa mga employer.

Sakop ng extension ang remittances due para sa buwan ng Marso, Abril, at Mayo.

Tinatayang halos 312,000 employers sa bansa ang makikinabang dito mula sa private at government sectors.



Facebook Comments