Inanunsyo ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) na inusad nila ang deadline sa pagsumite ng mga Self-Learning Modules (SLMs) evaluation para sa Quarter 4 ng kasalukuyang school year.
Batay sa abiso ng DepEd, inusad ito sa February 15 at 16 ngayong taon mula sa orihinal nitong petsa na February 8.
Hindi sinabi ang dahilan sa pag bago ng deadline pero iginit ng ahensya na ang hindi makakapagsumite ng kanilang SLMs sa nasabing baong deadline ay hindi na isasama para sa evaluation.
Inihayag din ng DepEd na maaaring makipag-uganayan ang mga paaralan na mag susumite pa lang ng kanilang SLMs sa DepEd Bureau of Learning resources- Quality Assurance Division.
Ang SLM ay ang ginagamit ngayon ng lahat ng magaaral at guro ng bansa habang ipinatutupad ang distance learning bunsod ng COVID-19 pandemic.