Deadline sa renewal ng business permit sa Maynila, pinalawig

55
????????????????????????????????????

 

Good news para sa mga negosyante sa Maynila na hindi pa nakakapagrenew ng business permit.

 

Ito ay dahil mula sa orihinal na deadline na January 20 ay pinalawig ng Manila City Government sa January 31 ang aplikasyon para sa renewal ng business permit.


 

Dahil dito ay tiniyak ni Manila Mayor Isko Moreno na walang penalty na sisingil sa hindi makakarenew ng business permit hanggang January 31.

 

Bukod dito ay magiging hanggang linggo na rin bukas ang one-stop-shop sa SM City Manila para sa pagkuha ng business permit.

 

Gayunpaman, umapela naman si Mayor Isko sa mga negosyante sa maynila na maglaan na ng oras para sa renewal ng kanilang business permit at huwag ng hintayin pa ang huling araw o deadline nito.

Facebook Comments