DEADLINE SA RENEWAL NG PERMITS AT BAYAD SA CEDULA, ITINAKDA NA SA ILANG BAYAN SA PANGASINAN

Nagpaalala ang Mangaldan Municipal Treasury Office sa mga residente na hanggang February 27, 2026 na lamang maaaring magbayad ng Community Tax Certificate o cedula nang walang kaakibat na multa o penalty.

Ayon sa abiso, ang sinumang magbabayad ng cedula matapos ang itinakdang deadline ay papatawan ng 24% interest per annum alinsunod sa umiiral na mga patakaran.

Dahil dito, hinihikayat ang publiko na maagang pagbabayad upang makaiwas sa karagdagang bayarin.

Bukas ang tanggapan mula Lunes hanggang Biyernes, alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon, para sa anumang katanungan hinggil sa komputasyon ng cedula.

Samantala, paalala naman ng lokal na pamahalaan ng Mapandan sa mga negosyante at miyembro ng TODA na mag-renew ng Business at Tricycle Permit, na tatagal hanggang January 20.

Hinihikayat ang mga nasabing sektor na magtungo sa Municipal Treasurer’s Office upang maging maayos at tuluy-tuloy ang operasyon ng kanilang negosyo at hanapbuhay.

Muling nananawagan ang mga tanggapan sa parehong bayan, ng kooperasyon mula sa publiko at dahil ang nakokolektang kita mula renewal ay umiikot din sa mga programa at proyekto para sa kaunlaran. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments