Deadline sa road clearing operation, wala ng extension – DILG

Tiniyak ng Department of Interior and Local Government o DILG na wala nang extension silang ibibigay para matapos ng Metro Manila mayors ang road clearing operations sa kanilang nasasakupan.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año – sapat na ang kanilang ibinigay na 60 days para magawa ng mga alkalde ang kanilang hamon na linisin sa road obstructions.

Aniya, dapat ay maging mahigpit sila sa ibinigay nilang deadline sa mga alkalde para maipakita rin sa publiko na seryoso sila sa pagsasaayos ng bansa.


Giit ng kalihim – ang mga alkaldeng hindi makakasunod sa mandato ng DILG kaugnay sa road clearing operations ay posibleng masuspindi o matanggal sa pwesto.

Facebook Comments