Hindi na magkakaroon ng extension ang itinakdang deadline ng Commission on Election o COMELEC sa November 15 para sa mga nagnanais na maghain ng kanilang withdrawal sa pagkandidato sa halalan sa susunod na taon.
Sabi ni COMELEC Spokesman James Jimenez, mananatili ang petsa ng deadline hanggang alas-5:00 ng hapon.
Dahil dito, mayroon na lang apat na araw ang mga kandidato na magdesisyon kung iuurong nila ang kanilang Certificate of Candidacy.
Mananatiling bukas ang mga tanggapan ng COMELEC kahit na sa Sabado.
Gayunman, sarado ito sa Linggo at muling magbubukas sa Lunes o ang mismong deadline para sa withdrawal ng kandidatura.
Facebook Comments