DEADMA | Banta sa pagkwestyon sa pagkakatalaga kay Arroyo bilang speaker, dinedma

Manila, Philippines – Minaliit ni Deputy Speaker Rolando Andaya ang banta na pagkwestyon sa naging proseso ng pagkakatalaga kay House Speaker Gloria Arroyo kapalit ng napatalsik na si dating Speaker Pantaleon Alvarez.

Ayon kay Andaya, hindi pwedeng gamiting dahilan ang pagkawala ng “mace” para sabihing hindi valid ang pagkakahalal kay Arroyo na Speaker dahil ito ay nahanap at nailagay din sa rostrum nang ulitin nila ang proseso pagkatapos ng SONA ng Pangulo.

Iginiit ni Andaya na simbolo ng authority ang “mace” at wala itong pinagkaiba sa tsapa ng pulis na kahit maiwan ay pulis pa rin.


Aniya pa, kahit wala ang “mace”, mayorya naman ng mga mambabatas ang nasa plenaryo para igiit ang pagpapatuloy ng sesyon at paghirang ng bagong speaker.

Sinabi pa ni Andaya na umabot na sa 180 ang mga mambabatas na pumirma sa manifesto ng suporta kay CGMA para maging Speaker at kahapon ay pormal na binasa sa plenaryo ang pagkakahirang dito bilang House Speaker.

Facebook Comments