DEAF-MUTE COUPLE NA NAGPAKILIG SA MASS WEDDING SA SIYUDAD NG ALAMINOS, KILALANIN

Likas na sa ating mga Pinoy ang maging mapagmahal kung kaya’t kahit tapos na ang buwan ng mga puso, patuloy pa rin ang pagmamahalan ng isang deaf and mute couple dahil ikinasal sila kasalang bayan sa siyudad ng Alaminos, Pangasinan.
Ang bagong kasal ay sina Charlie Mar Velan at Sheila Erum na tubong Barangay Tangcarang sa nasabing bayan. Sila ang nagpapatunay na hindi hinggil sa pagmamahalan ang kapansanan. Sabi nila, kahit anuman ang pagdaanan sa buhay, pagmamahal pa rin sa isa’t isa ang mananaig.
Kinilig ang lahat ng mga bisita at netizens sa kasal. Nagpapasalamat din sila sa tulong na rin ng sign language interpreter dahil na tutulungan nila ang mga kababayan nating PWDs.

Tunay nga na Love is truly unconditional sa dalawang bagong kasal na mag asawang Charlie at Sheila. |ifmnews
Facebook Comments