Ito ang naging pahayag ng mga dealer kasunod ng kanilang pagtitipon noong Abril 11, kung saan kinilala ng isang LPG brand ang kanilang business partners sa gitna ng patuloy na hamon sa industriya.
Ayon sa kanila, umaasa silang gagaan ang sitwasyon matapos ang inanunsyong pansamantalang ceasefire sa Middle East.
Sa kabila nito, aminado ang ilang negosyante na ramdam na nila ang epekto ng taas-presyo.
Isang restaurant owner ang napilitang magsagawa ng ilang pagbabago, gaya ng pag kompromiso sa menu, upang hindi gaanong maapektuhan ang kanilang operasyon at customers.
Ang dating mahigit P700 presyo ng LPG ay pumapalo na ngayon ng P1500 hanggang P1700 kada 11kg na tangke.
Samantala, may ilang LPG retailers na nagsabing makatutulong ang pagpapatupad ng price control laban sa overpricing at masigurong makatarungan ang pagpepresyo.
Ayon sa pamahalaan, maaaring magpatupad ng price freeze o price cap ang gobyerno sa LPG kung kinakailangan bilang tugon sa patuloy na paggalaw ng presyo sa merkado.
Sa ngayon, nananatiling panawagan ng mga dealer ang pag-unawa ng publiko kasabay ng kanilang pagtiyak na ang kasalukuyang taas-presyo ay hindi magtatagal. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







