Dean Divina ng UST, itinuturing na person of interest sa Atio case – Atty. Kapunan

Manila, Philippines – Itinuturing nang person of interest sa pagkamatay ni Horacio “Atio” Castillo III si University of Santo Tomas law dean Nilo Divina.

Ito ang inihayag ni Atty Lorna Kapunan na tumatayong abogado na ng pamilya Castillo.

Sa isang pulong pambalitaan sa QC, sinabi ni Kapunan na dapat isama ng NBI si Divina sa mga dapat imbestigahan.


Aniya, may pananagutan si Divina dahil sa ilalim ng Anti hazing law, ang mga opisyal ng pamantasan ay may direktang pananagutan sa regulasyon ng Anti hazing law.

Sa kaso ni Atio, bilang dean, nagkulang ito na tiyakin na kinuha ang mga pangalan ng mga isasalang sa initiation.

Binigyan diin ng abogado na kung inosente si Divina bakit hindi ito agad nagpa imbistiga sa sinapit ni Atio Castillo. Nagtalaga din dapat ito ng mataas na opisyal ng UST na sumubaybay sana sa isinagawang initiation ng Aegis Juris fraternity.

Iginiit ni Kapunan na kung sususugan ang batas, dapat ay hindi lamang regulasyon kundi tuluyan nang ipagbawal ang lahat ng uri ng hazing mapa pisikal o emosyonal.

Facebook Comments