Manila, Philippines – Dumalaw sa burol ng hazing victim na si Horacio “Atio” Castillo III si University of Santo Tomas (UST) Faculty of Civil Law Dean Nilo Divina.
Sinalubong ng mga magulang at kaanak ni Castillo si Divina, kasama ang iba pang miyembro ng Faculty of Civil Law.
Sa isang panayam, nangako si Divina na tutulong sa pagbibigay ng hustisya para sa estudyante.
Sinabi rin ni Divina, na hindi kinikilala sa unibersidad ang Aegis Jvris Fraternity, dahil may mga rekisito pa na hindi naisusumite ang grupo.
Kinumpirma naman ni Divina na binawi na niya ang utos na nagbabawal sa mga kasapi ng Aegis Jvris na makapasok sa unibersidad.
Magkakaroon naman ng imbestigasyon ang senado sa Lunes sa pagkamatay ni Castillo.
Habang hiniling na rin sa Kamara na imbestigahan ng mababang kapulungan ang pagkamatay ni si Castillo.