Death Anniversary ni Former Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr , ginunita ng kanyang Pamilya

Ginunita ng Pamilya Ampatuan ang ika- limang taong anibersayo ng kamatayan ni Former Maguindanao Governor Datu Andal Ampatuan Sr.

Isinagawa ang KANDULI sa mansyon ni Gov. Ampatuan sa bayan ng Shariff Aguak . Dumalo sa okasyon ang halos lahat ng pamilya Ampatuan kabilang ang ilang elected officials mula sa kanilang pamilya.

Sama-sama ring binalikan ng pamilya ang mga masasayang alaala ni Governor Ampatuan.


Nagpapasalamat naman si Mamasapano Vice Mayor Datu Tahirodin BENZAR Ampatuan at patuloy na nagkakaisa ang pamilya sa kabila ng pagsubok na kanilang hinarap sa nakalipas na mga taon sa naging panayam ng DXMY.

Pinasalamatan rin ni Vice Mayor Benzar ang lahat ng mga patuloy na sumusuporta at nagtitiwala sa kanilang pamilya.

Bukod sa mga myembro ng pamilya Ampatuan, dumalo rin ang ilan sa mga malalapit na kaibigan ng pamilya.

Matatandaang binawian ng buhay si Governor Andal, gabi ng July 17, 2015 dahil sa liver cancer sa National Kidney and Transplant Institute sa Quezon City.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments