Pumanaw si Queen Elizabeth II bunsod ng katandaan nitong 3:10pm sa London o 10:10pm sa Pilipinas nitong September.
Ito ang nakalagay sa death certificate na inilabas ng National Records of Scotland kahapon na ipinarehistro ng unica hija ng reyna na si Princess Anne nitong September 16.
Mababatid na si Princess ay nasa tabi ni Queen Elizabeth II sa huling 24 oras bago ito pumanaw.
Nakalagay sa certificate ang place of death na nasa Balmoral Castle na usual residence nito na Windsor Castle at pangalan ng namayapa nitong asawa na si Prince Philip, Duke of Edinburgh at maging ang pangalan ng kaniyang mga magulang na sina King George VI at Queen Elizabeth.
Sakaling namatay ang reyna sa England ay hindi na nito kailangan pang iparehistro ang kaniyang pagkamatay batay na rin sa kanilang batas.
Patunay sa kaniyang death certificate na hindi pumanaw si Queen Elizabeth II ng kung anong karamdaman sa huling taon ng kaniyang buhay.