Ipinababasura ni Albay Rep. Edcel Lagman sa Senado ang mga panukalang batas na itinuturing na malupit at mapangabuso sa nalalabing session days ng 17th Congress.
Umapela si Lagman na ibasura ang Death Penalty Bill na hindi aniya maituturing na tugon sa lumalalang kriminalidad sa bansa.
Sinabi nito na hindi mapipigilan ng death penalty na gumawa ng masama ang mga kriminal kahit pa bumaba na ang bilang ng krimen sa bansa.
Nais rin ng kongresista na tutulan ng mga senador ang pagpapababa ng minimum age of criminal responsibility dahil 1.72% lamang mula sa naitatalang krimen ang may batang salarin at karamihan pa ay kaso ng pagnanakaw na maiuugnay sa kahirapan.
Sa halip na Death Penalty ani Lagman ay makabubuting ipatupad na lamang nang maayos ang Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo sa non-penal institutions at paglikha ng programa para sa mga batang nakagawa ng krimen.