Death penalty bill, aprubado na sa ikalawang pagbasa sa kamara

Lusot na sa ikalawang pagbasa sa kamara ang panukalang pagbabalik ng death penalty.
 
Sa pamamagitan ng viva voce voting, lamang ang bumotong pabor sa pagbabalik ng death penalty mula sa 227 mga kongresistang markadong present sa botohan.
 
Naglabas rin ng sponsor sa panukala si Justice Committee Chairman Rey Umali nang omnibus motion para ibasura ang lahat ng amendments na naglalayong burahin ang ‘death’ bilang parusa.
 
Giit ng kongresista, kontra ito sa mismong intensyon ng panukala at nakakaubos ng oras.
 
Sa ilalim ng version ng kamara, tanging mga kaso lang na may kinalaman sa iligal na droga ang papatawan ng parusang kamatayan.
 
Inalis na ang iba pang krimen na unang isinama tulad ng rape, plunder at treason.
 
Naniniwala naman si Albay Representative Edcel Lagman, na sunud-sunuran sa kagustuhan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kapwa niya mambabatas na maipasa agad ang parusang bitay.
Sa Miyerkules (Marso 8) target ng kamara na isalang sa ikatlo at huling pagbasa ang nasabing panukala bago ito ipapasa  sa senado.

Facebook Comments