Manila, Philippines-Tiniyak ng Liberal Party o LP senators na hindi nila palulusutin sa senado ang panukalang pagpapatupad muli ng parusang bitay.
Ito ang inihayag ni LP President Kiko Pangilinan makaraang makapasa na sa kamara kahapon ang death penalty bill.
Ayon kay Pangilinan, nakakalungkot na hindi nabigyan ng pagkakataon ang minorya sa kamara na makipagdebate ng lubos kontra sa pagpapataw ng parusang kamatayan.
Ikinadismaya ni Pangilinan na mayorya ng mga kinatawan sa mababang kapulungan ay pumabor sa death penalty.
Ito ay kahit pa aniya napatunayan sa buong mundo na hindi ito epektibo sa pagpapababa ng antas ng kriminalidad at karamihan sa nabibiktima o napapatawan nito ay mga mahihirap at walang kapangyarihan o impluwensya.
Giit ni Pangilinan, ang parusang bitay ay malupit, degrading at hindi makatao.