Manila, Philippines – Naniniwala si Buhay Party list Rep. Lito Atienza na hindi maipapatupad ang death penalty Sa ilalim ng Duterte Administration.
Ito ang dahilan kaya hinikayat ni Atienza ang Senado na kalimutan na ang death penalty.
Sa pagtaya ni Atienza, sakali man ay sa taong 2022 pa mayroong maaaring mapatawan ng death penalty sakaling maging ganap itong batas at sa panahong iyon ay maaaring abutin na ng pagbaba sa pwesto ni Pangulong Duterte.
Paliwanag ng kongresista, sakaling maging batas, kailangan ng Department of Justice (DOJ) ng anim na buwan para mabuo ang bagong manual of execution.
Matatandaan na una nang sinasabi ng Pangulong Duterte na kapag naipasa ang death penalty ay lima hanggang anim na kriminal kada-araw ang bibitayin.
Sa halip na death penalty, malawakang reporma sa criminal justice system sa bansa ang dapat na atupagin.
Facebook Comments