MANILA – Malabo ng maipasa sa Senado ang death penalty bill dahil lalabag ito sa isang kasunduan kung saan signatory ang Pilipinas.Ipinaalala ni Senate President Pro-Tempore Franklin Drilon ang International Covenant on Civil and Political Rights (ICCPR) na niratipikahan pa ng Senado.Giit ni Drilon, ito ay kasama sa pinaiiral na batas sa bansa dahil una na itong naratify ng two-thirds ng Senado at nilagdaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.Bawal aniya sa nasabing treaty ang death penalty at obligasyon ng Pilipinas na sumunod dito partikular sa second optional protocol sa ICCPR kung saan nakasaad na hindi maaring mag-execute o pumatay ang mga bansang sumusuporta rito.Posible rin aniyang magkaroon ng malaking epekto sa isang bansa kung lalabag ito sa isang international treaty dahil lalabas na hindi maaring mapagkatiwalaan ang gobyerno.Pero gaya ng position paper na kanilang sinumite sa Kamara sa katulad na pagdinig, nanindigan si Justice Sec. Vitaliano Aguirre II na hindi labag sa saligang batas ang pagbabalik sa death penalty.Bagaman, kinokonsidera ang international treaty na pinasok ng Pilipinas, inamin Senador Richard Gordon na 10 senador ang pabor sa pagbabalik ng parusang kamatayan.Ric
Death Penalty Bill, Malabo Nang Maipasa Sa Senado; Pero Doj, Nanindigang Hindi Ito Labag Sa Saligang Batas
Facebook Comments