Manila, Philippines – Tiwala si Senate Majority LeaderTito Sotto III na makakapasa sa Senado ang panukalang ibalik ang parusangkamatayan.
Pero yan aniya ay kung para lang sa mga nasa likod nghigh level drug trafficking ay kung lethal injection ang gagawing pamamaraanpara mailatupad ang batas.
Sa tantya ni Senador Sotto, sa ngayon ay hati, o tigsampu ang pumapabor at kumokontrang senador sa death penalty bill.
Pero ayon kay Sotto, kung nakafocus lang sa high leveldrug trafficking at lethal injection ay malaki ang tsansa na lima pang mgasenador ang dito ay pumabor.
Hindi kasi aniyang masasabing anti-poor ang death penaltybill kung mga big time drug lords o drug traffickers ang bibitayin.
Gayunpaman, sinabi ni Sotto na hindi prayoridad ng Senadoang death penalty bill kaya hinid tiyak na maipapasa nila ito hanggang buwan nghunyo o bago matapos ang first regulat session ng seventeenth congress.
Death penalty bill, malaki ang tsansang lumusot sa Senado kung limitado lang sa high level drug trafficking
Facebook Comments