Death penalty, ibabalik ng Sri Lanka

Sri Lanka – Ipatutupad muli ng Sri Lanka sa loob ng dalawang buwan ang parusang kamatayan.

Ito ay dahil matatapos na ang 42-year moratorium sa capital punishment.

Ayon kay Sri Lanka President Maithripala Sirisena – ang mga drug offenders ay papatawan na rin ng death penalty.


Umapela din ito sa mga human rights organizations na huwag ng manghimasok sa gagawin nilang desisyon.

Sa ngayon, napupunta lang muna sa habambuhay na pagkakakulong ang mga may kasong murder, rape at iba pang drug-related crimes.

Nabatid na bumisita nitong nakaraang buwan sa Pilipinas ang pinuno ng Sri Lanka.

Facebook Comments