Sinisisi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kawalan ng death penalty kung bakit patuloy ang pagpasok ng iligal na droga sa bansa.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino – unti-unti nang napagtatagumpayan ng pamahalaan ang giyera kontra droga.
Katunayan, 12,000 barangay na ang kanilang nalinis mula sa illegal drugs.
Sa kabila nito, aminado si Aquino na tuloy-tuloy ang operasyon ng mga sindikato ng droga sa bansa dahil na rin sa kawalan ng parusang bitay.
Bukod sa death penalty, bukas ang PDEA na payagan at magkaroon ng pag-aaral hinggil sa paggamit ng marijuana bilang gamot.
Samantala, susunugin na ng PDEA ang mahigit 6-bilyong pisong halaga ng iligal na drogang naipon nila sa loob ng dalawang taon.
Kabilang rito ang 1,405 kilo ng shabu at 120 kilo ng marijuana.