Isinulong ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang muling pagpapatupad ng death penalty para sa lahat ng karumal-dumal na krimen, tulad ng pagpatay, panggagahasa, may kinalaman sa iligal na droga at iba pa.
Nakapaloob ito sa House Bill 1543 na inihain ni Barbers na layuning ipawalang-bisa ang Republic Act 9346 o batas na nagbabawal sa pagpapataw ng parusang kamatayan.
Ang hakbang ni Barbers ay sa gitna ng serye ng pagkawala at pagpatay sa mga kababaihan, at iba pang napapaulat na karumal-dumal na krimen.
Para kay Barbers, nakaka-alarma ang pagtaas ng mga krimen sa ngayon at hindi na talaga natatakot ang mga kriminal dahil iniisip nila makakalusot sila sa batas.
Facebook Comments