Death Penalty, napapanahon ng talakayin kasunod ng paghatol sa mga sangkot sa Ampatuan Massacre Case

Para kay Senator Imee Marcos, panahon na ikonsidera kung dapat nang ibalik ang parusang kamatayan.

Inihayag ito ni Marcos kasunod ng pagbaba ng hatol sa mga napatunayang utak at kasabwat sa Ampatuan Massacre.

Tinutulan ni Marcos ang Death Penalty nung siya ay Konggresista pero bukas na sya pagsuporta ngayong dito.


katwiran ni Marcos, iba na ang panahon ngayon kaya kailangan nang itugon ang batas sa tindi at brutal ng ilang krimeng nagaganap na hindi inakalang magagawa gaya ng nasabing masaker.

Binigyang diin ni Marcos na sakaing ibalik ang Death Penalty, ay dapat iiral lang ito sa mga “Exceptional Exceptions” gaya ng Masaker, Large-Scale Drug Trafficking at Plunder at hindi rin ito dapat ipataw sa mga kabataan.

Facebook Comments