Manila, Philippines – Hindi natitinag ang pagsusulong ni Senate President Tito Sotto III sa panukalang ibalik ang parusang kamatayan na ngayon ay nakabinbin sa Senate Committee on Justice habang sa Kamara ay pasado na.
Posisyon ito ni Sotto sa kabila ng pahayag ng Santo Papa na ang parusang kamatayan ay hindi katanggap-tanggap.
Giit ni Sotto, ang tanging nais niya lang mapatawan ng parusang bitay ay ang mga sangkot sa high-level drug trafficking tulad ng mga drug lords.
Ipinaliwanag ni Sotto, hindi rin maituturing na anti-poor ang isinusulong niyang bersyon ng death penalty dahil wala namang mahirap na drug lords.
Diin ni Sotto, hindi rin sya pabor na mapatawan ng death penalty ang iba pang sangkot sa ilegal drug trade tulad ng mga nagtutulak at nag-iingat ng ilegal na droga, gayundin ang mga gumagamit nito na makabubuting isailalim sa rehabilitasyon.