Death penalty para sa drug crimes, pinabubuhay ni Pangulong Duterte

Muling ipinananawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbuhay sa death penalty para sa mga krimeng may kaugnayan sa ilegal na droga.

Sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA), nakiusap si Pangulong Duterte sa Kongreso na muling aprubahan ang parusang kamatayan sa pamamagitan ng lethal injection sa gitna ng nagpapatuloy na giyera kontra droga.

Nang banggitin niya ang capital punishment sa kanyang talumpati, tila kakaunting mambabatas lang ang pumalakpak.


Iginiit ng Pangulo na hindi lamang makakatulong ang death penalty na masupil ang kriminalidad, pero mailigtas ang mga bata mula sa panganib na dulot ng paggamit ng ilegal na droga.

Nabatid na ang panukalang capital punishment ay mariing tinututulan ng human rights groups at pro-life advocates.

Facebook Comments