
Isinusulong ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na ibalik ang pagpapataw ng parusang kamatayan para sa mga mapapatunayang sangkot sa kasong pandarambong.
Nakapaloob ito sa Senate Bill 1343 na layong amyendahan o ipawalang bisa ang Republic Act 9346 o ang batas na nagaalis ng parusang kamatayan sa Pilipinas.
Tinukoy ni Dela Rosa sa panukala na noon ay mayroong death penalty para sa mga plunder cases sa ilalim ng Republic Act 7659 at sa ilalim ng panukala ay ibabalik lamang ito.
Sa pamamagitan ng lethal injection ang itinutulak na paraan ng parusang kamatayan.
Iginiit ni Dela Rosa ang urgency ng panukalang batas lalo ngayong nakakaalarma ang bigat at impact ng korapsyon sa bansa matapos matuklasan ang mga maanomalyang flood control projects.
Facebook Comments









