Manila, Philippines – Inihayag ngayon ni Senate President Tito Sotto na may posibleng makalusot sa Senado ang panukalang batas para sa pagbabalik ng parusang bitay.
Ayon kay Sotto, malaki ang pag-asang makukaha ito ng maraming boto, kung ang mapaparusahan ay mga big time drug lord at drug trafficker.
Dagdag pa ni Sotto, dapat lamang na bitayin ang mga sangkot sa iligal na droga dahil kahit makulong ang mga ito ay hindi pa rin tumitigil ang transaksyon.
Pero nilinaw naman ng bagong upong Senate President na hindi dapat kasama sa parusang bitay ang mga napag-utusan lamang na magdala ng iligal na droga kung saan dapat maging patas ang imbestigasyon sa mga nahuhuli sa ganitong uri ng kaso.
Facebook Comments