DEATH THREAT | Manila Times Reporter Jomar Canlas, dumulog sa NBI

Manila, Philippines – Dumulog sa NBI si Manila Times Reporter Jomar Canlas matapos na makatanggap ng death threat.

Kasunod ito ng pagtestigo ni Canlas sa impeachment hearing laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Canlas, noong Biyernes siya nakatanggap ng dalawang text messages na nagsasaad na tatlo silang papatay sa nasabing journalist.


Nakasaad pa sa text message ang mga katagang “marami ka na kasalanan sa amin. Magbilin ka na sa asawa at anak mo, bago ka mamatay. Hindi ito pananakot, this time talagang patay ka Jomar.”

Facebook Comments