DEATH THREAT | Nagbanta kay Jomar Canlas, tini-trace na!

Manila, Philippines – Tini-trace na ng Manila Police District (MPD) ang cellphone number na ginamit ng nagpadala ng death threat kay Manila Times reporter Jomar Canlas.
Ayon kay MPD C/Supt. Joel Coronel, maituturing na seryoso ang banta laban kay Canlas kung saan nakasaad sa text message na tatlo silang ipapapatay sa mamamahayag.

Dahil dito, inirekomenda ng MPD ang pagtatalaga ng security detail kay Canlas.

Irerekomenda din ni Coronel na pabilisin ang proseso para payagang makapagdala ng sariling armas si Canlas para maprotektahan ang kanyang sarili.


Nakatanggap ng death threat si Canlas matapos siyang tumestigo sa impeachment case laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Facebook Comments