DEATH THREAT | Pagsailalim kay Mangaoang sa WPP, irerekomenda ng Senado

Manila, Philippines – Irerekomenda ng Senado na maisailalim na rin sa Witness Protection Program o WPP ng Department of Justice (DOJ) si Customs Deputy Collector Ma. Lourdes Mangaoang.

Tugon ito ni Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon matapos ihayag ni Mangaoang na nakakatanggap sya ng mga banta sa buhay.

Sa pagdinig ng Senado ay sinabi ni Mangaoang na nagsimula ang mga banta sa kanyang buhay matapos niyang tiyakin na naglalaman ng shabu ang apat na magnetic lifters na inabandona sa GMA, Cavite.


Ayon kay Gordon, tinalakay na niya ito kay Justice Secretary Menardo Guevarra.

Bukod kay Mangaoang, ay nauna ng tinugon ng DOJ ang hiling ng Senado na mailagay sa WPP si dating Customs Intelligence Officer Jimmy Guban.

Facebook Comments