
Pinaiimbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang death threat laban kay Cebu Governor Pam Baricuatro.
Kung saan inatasan ni PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., ang Regional Office 7 at Cebu Provincial Office na paigtingin ang intelligence monitoring matapos isapubliko ng nasabing gobernador ang umano’y 2.5 milyong pabuya sa kanyang ulo.
Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Randulf T. Tuaño, patuloy ang isinasagawang beripikasyon ng pulisya sa nasabing insidente.
Kaugnay nito, nag-deploy na rin ng karagdagang tactical security personnel para sa seguridad ng nasabing gobernador.
Patuloy naman ang koordinasyon ng PNP sa mga lokal na pamahalaan at tiniyak ang presensya ng pulisya sa mga lugar na madalas na puntahan ng Cebu Governor.
Kaugnay nito, mariing kinondena ng PNP ang anumang uri ng banta sa buhay ng sinumang opisyal ng pamahalaan.










