Umakyat pa sa 43 ang bilang ng nasawi bunsod ng nararanasang sama ng panahon sa bansa simula pa noong Enero a-uno.
Sa 6 a.m. report ng NDRRMC, 13 ang naitalang nasawi sa Bicol; 12 sa Zamboanga; walo sa Northern Mindanao; pito sa Eastern Visayas at tag-iisa sa MIMAROPA, Davao at SOCCSKSARGEN.
Pero sa nasabing bilang, 20 pa lamang ang kumpirmado habang ang iba ay bina-validate pa ng ahensya.
Walo naman ang napaulat na nawawala habang 11 ang nasugatan.
Sa kabuuan, nasa 2,043,686 na indibidwal o 497,015 na pamilya na ang naapektuhan ng Low Pressure Area, shear line at Amihan sa 13 rehiyon sa bansa.
Umabot na rin sa higit isang bilyong piso ang danyos sa sektor ng agrikultura; higit 500-milyong piso sa imprastraktura at higit 25.6 million pesos sa irigasyon.
Nakasailalim pa rin sa state of calamity ang 85 lungsod at munisipalidad sa buong bansa.