Umakyat na sa 169 ang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa pananalasa ng Bagyong Odette.
Batay ito ng datos ng Philippine National Police (PNP) hanggang alas-6 ng hapon kahapon.
Pinakamaraming nasawi ay nagmula sa Central Visayas na nasa 129 sinundan ng Western Visayas na may 22.
Sampung katao naman ang nasawi sa Caraga Region, pito sa Northern Mindanao at isa sa Zamboanga Region.
Batay pa sa datos ng PNP, umakyat na sa 50 ang bilang ng nawawala dahil sa bagyo, kung saan 43 sa mga ito ay galing sa Central Visayas at pito sa Caraga Region.
Paliwanag naman ni PNP spokesperson Police Colonel Rhoderick Augustus Alba, subject for validation pa ang bilang ng nasawi sa bansa dahil sa bagyo.
Nitong sabado, una nang sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nasa 31 na ang nasawi sa bansa dahil sa bagyo.