Death toll sa Bagyong Carina at habagat, sumampa na sa 40

Umakyat na sa 40 ang bilang ng mga nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Butchoy, Carina at habagat.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 14 dito ang kumpirmado habang 26 ang for validation.

Siyam naman ang injured habang lima ang nawawala.


Samantala, pumalo pa sa 5.4 milyon ang bilang ng mga indibidwal na naapaektuhan ng sama ng panahon.

Katumbas ito 1.4 million pamilya mula sa 17 rehiyon sa bansa.

Facebook Comments