Death toll sa Bohol dahil sa Bagyong Odette, sumampa na sa 63!

Umakyat na sa 63 ang bilang ng nasawi sa Bohol matapos ang pananalasa ng Typhoon Odette.

Batay sa ulat ng provincial government, 12 sa mga nasawi ay mula sa bayan ng Ubay na pinakasinalanta ng bagyo.

Ang ibang nasawi ay naitala sa mga sumusunod na bayan:


 President Carlos P. Garcia – 5
 Loon – 5
 Inabanga – 4
 Catigbian – 4
 Buenavista – 4
 Valencia – 2
 Tubigon – 3
 Alicia – 3
 Batuan – 2
 Antequera – 3
 Maribojoc – 2
 Getafe – 2
 Trinidad – 2
 Panglao – 1
 Calape – 2
 Jagna – 2
 Lila – 1
 Pilar – 1
 Candijay – 1
 Clarin – 1

Nanggaling ang datos sa 33 mula sa 48 local government units na nagsumite ng report sa local government.
Hindi pa makapagsumite ng ulat ang ibang LGU dahil sa nararansang problema sa linya ng komunikasyon sa probinsya.

Facebook Comments