Death toll sa gumuhong gusali sa Florida, lima na; Missing, 156

Umakyat na sa lima ang bilang ng nasawi sa pagguho ng isang gusali sa Florida, USA.

Isa pang biktima ang natagpuan ng search and rescue teams sa Surfside, isang baybaying bayan malapit sa Miami.

Bukod dito, nasa 156 pang residente na pinaniniwalaang natabunan ng mga debris ang patuloy na hinahanap.


“The biggest thing now is hope. That’s what’s driving us. It’s an extremely difficult situation,” saad ni Fire Chief Alan Cominsky.

Ilang grupo naman mula sa Mexico at Israel ang dumating sa lugar para tumulong sa search-and-rescue operations.

Huwebes ng umaga nang mag-collapse ang gusali na 40 taon na ang tanda.

Mayroon itong 130 units, kung saan nasa 80 ang okupado.

Facebook Comments